Saturday, October 22, 2005

Breaking up with a person really is hard to bear. For all the people know, you loved that person very much, and even gave your time, affection, and your all for that person. But there is a limit and a time for us to get over these kinds of situations or feelings. That is when we let the world stop, sit and stare at a corner, and not take care of ourselves*tingin sa salamin* *hinga ng malalim* Tignan mo nga yang itsura mo! Tignan mo ang nangyari sa 'yo. Siguro mga dalawang kilo na ang nawala sa iyo dahil sa pagpapabaya mo sa sarili mo. Paano, lagi kang puyat, kung matulog pinakamaaga ang alas-dos. Eh pa'no ka ba naman tataba niyan? Tapos kapag gigising mahina ang alas-diyes. Ano ba naman kasi ang pinagkakaabalahan mo? Tapos hindi ka pa nagkaka-kain. Galit na galit na sa iyo ang nanay mo! Ika nga niya para kang manok na tumutuka sa pinggan. Hindi ka naman ganyan dati eh. Masiba ka, daig mo pa ang lalake kung kumain, pero anong nangyari? *inom ng alak* *tanaw sa labas ng bintana* Iniisip mo na naman yung lalake na yun ano? At bakit naman? Siya ba ang dahilan kung bakit nawalan ka ng gana sa kung anumang pinagkakaabalahan mo dati? Siya ba kung bakit lagi kang puyat at tanghali na kung magising? Bakit? Nakikita mo siya sa panaginip mo ano? Kaya ayaw mo ng gumising pa, kaya kahit hanggang hapon ka na sa higaan, ok lang sa iyo. Malamang doon nahahawakan mo siya, nayayakap at nahahalikan, tama di ba? Malamang isa pang dahilan lagi kang nagcha-chat ano? Inaabot ka ng umaga sa harap ng computer. Inaabangan mo kung sakali bang darating siya. Pinapaasa mo ang sarili mo sa wala. Tapos madi-disappoint ka lang kapag hindi siya dumating. Mawawala sa mood, magiging masungit sa kung sinumang kakausap sa iyo. *tingin uli sa salamin* Paano ka kaya babalik sa dati? Yung dating ikaw? Yung kalog, walang pakialam sa mundo, basta yung dating AKO na kilala ko. *hinga ng malalim* Di ba sabi mo sa sarili mo OK ka na? Na wala na siya sa buhay mo? Eh bakit parang hanggang ngayon nagdaramdam ka pa rin? Wag mong sabihing nangungulila ka? Nagpapatalo ka na naman sa puso mo eh! *tanaw sa labas ng bintana* *inom ng alak* Magkalayo kayo di ba? Kontinente ang layo niyo sa isa't-isa. Ano ka ba? Ang tanga-tanga mo naman kung umaasa ka pa na magkakabalikan kayo. Di ba takot kang umuwi ng 'Pinas? Takot kang makita siya uli ng harap-harapan? Eh bakit parang sabik na sabik kang umuwi? *Tingin sa salamin* Eh bakit ba naman kasi hanggang nagyon siya pa rin ang nasa isip mo? Di ba iniwan ka niya? Eh bakit hanggang ngayon mahal mo pa rin siya? *tanaw sa labas ng bintana* *inom uli ng alak* last shot na 'to Isipin mo ang sarili mo! Ipakita mo sa kanya na siya ang nawalan, hindi yung parang ikaw ang nawalan. Pakinggan mo ang utak mo huwag ang puso mo. May darating pa dyan, mas worthy kaysa sa kanya. *tingin uli sa salamin*

0 Comments:

Post a Comment

<< Home