SOMEDAY I'LL BE OVER YOU
Bakit ba kailangan mangyari sa atin yung ganitong sitwasyon???? Natanong ko tuloy sa sarili ko kung pagsubok lang ba ito, para malaman natin kung gano natin kamahal yung taong minamahal natin o talagang kailangan mangyari ito para makatagpo tayo ng panibago… paano kung kumplikado yung sitwasyon???… Committed ka na ng makilala mo siya tapos nalaman mo na committed na rin pala siya..,anung gagawin mo?? may asawa na pala.. at yung pinakamasakit dun unti unti mong nararamdaman na hindi lang simpleng atraksiyon yung nararamdaman mo para sa kanya.. nandun na yung gusto mo lagi mo siya nakikita , nakakasama, nakaktext… pero hanggang saan??? Hanggang kailan??? Napakahirap ng ganitong sitwasyon… napakahirap dahil minsan naranasan ko na malagay sa ganitong sitwasyon… at promise hindi biro… kasi ganito yun… masaya naman ako sa lablayf ko.. lahat ng gusto ko binibigay ng boyfren ko..cellfone, load..damit..etc.. Anything that you could ask for..lalo na pag yung boyfren mo nasa banda dapat be proud di ba…dahil marami humahanga sa kanila.. im happy…pero dumating sa buhay ko yung “doubt” ng makilalala ko si “Mr.FEDEX”. Na kibiruan din ako sa kanila.. yun pala madedevelop ako.. Actually hindi siya kagwapuhan, “cute” lang pero he really makes me uncomfortable lalo na pag nasa paligid ko siya.. dati naman hindi ko siya pinapansin dahil yung kasamahan nya yung “crush” ko… pero dahil sa tuksuhan parang unti unti ay nadevelop yung feelings ko sa kanya.. alam mo yung pakiramdam ng isang teenager kapag nasa paligid yung crush nya.. Ganun.. ganun yung nararamdamn ko pag nakikita ko sya…The feeling is mutual pala.. pero hindi siya naglihim sa akin..may asawa siya but not married.. no kids.. lahat ng tungkol sa kanya pwera lang pangalan ng asawa nya.. Kulit noh.. may araw yung pagtitext namin.. monday to Friday hanggang 7 pm lang pag Saturday half day lang.. kahit ganun masaya ako kasi atleast kahit papaanu may time siya kahit konti para sa akin..we don’t talk much lalo na pag nasa opis.. siyempre iwas sa tsismis..lalo na may “asawa” na siya di ba, Hanggang matamis na ngitian, mahinang pag uusap.. konting biruan..araw araw na text na may kalakip na “care & love” dun siguro lalong nadevelop yung feelings namin sa isa’t isa. Kasi nga sabi nila kung anu yung bawal yun ang masarap..Minsan sinamahan nya ko sa bangko.. ang tugtog sa car stereo nya “kahit kailan” sabi nya para sa akin daw yun.. siyempre bukod sa kinikilig ako..nanlalamig pa ako.. siyempre kasama ko sya.. Sabi ko namn ang kanta ko sa kanya “maybe” kasi alam ko hindi pwede..kahit anung mangyari hindi talaga pwedeng maging kami..Pwede pala pero hindi dapat…Pero dumating yung time na may nagbiro sa amin, siyempre over denial.. ayaw mo pahalata eh…. Kahit hindi kami.. mahirap yung sitwasyon. tapos nag usap kami.. sabi nya “siguro kailangan na natin mag iwasan kasi baka masaktan lang tayo pareho..nag agree naman ako na iwas muna.. balik sa dati.. without knowing kung gaano kasakit yung susunod na mangyayari..after nung pag uusap namin.. hindi na kami nag pansinan..tiniis na wag mag text…hindi muna siya nagpakita.. hanggat makakaiwas ginawa nya.. believe me.. hindi ko nagagawa ng tama yung trabaho ko.. nakikita ko kasi siyang malungkot..pero sabi nga mahirap kalabanin ng puso..minsan hindi ako nakatiis dahil hindi siya nagpapakita sa akin.. lumabas ako ng opis.. alam ko makikita ko siya sa sasakyan nila, hindi siya pumapasok sa opis namin, tinanong ko siya kung kamusta na.. sabi nya “ito may nagpapasakit pa rin ng ulo ko” tapos tinitigan nya ko ng malalim..(I hate it pag tinititigan nya ako..para kasi akong matutunaw..na iinlove ako lalo..) masyado daw siya nahihirapan, ayaw nya daw akong mas lalong masaktan, kaya siya umiiwas..kasi sabi nya, ayaw niya ko mainvolve ng husto sa kanya.. tapos kakalimuatn ko din daw siya balang araw.. ngumiti ako sa kanya, sabi ko “ bakit hindi na lang natin ibalik yung dati” tumalikod na ako sa kanya dahil nag kakaiyakan na kami.. Pagtapos ng pag uusap na yun.. tinitext na nya ako.. pero hindi na kagaya ng dati na maraming sweetness.. nabawasan na yung care..hinahatid nya pa rin ako..pero nag karoon na ng space parang hindi na kagaya ng dati.. sabi ko sa kanya pwede bang “hayaan mo na lang akong mahalin ka, I know naman someday I’ll be over you” sabi nya naman “baka naman pagdating nung araw na makalimutan mo na ko, ako naman ang hindi makalimot sayo..” 2 weeks na kaming di nagkikita after naming mag usap, sa text lang kami nag kakabalitaan.. minsan hiniling ko sa kanya na magkita kami dahil miss ko na siya.. pero ala naman syang time.. Saturday tinext nya akong magkita daw kami sa Chapel, kaso ako naman ang hindi pwede dahil may sakit ako nun kaya hindi na talaga kami nagkita… December 18, Thursday.. nag text pa siya sa akin hanggang tanghali..masaya pa nga kaming nag bibiruan.. after nun hindi na nasundan.. hindi kasi siya umuuwi ng hindi nagtitext. siyempre tinitext ko siya kung bakit.. may nangyari ba sa kanya.. nagalit ba siya sa akin…lahat ng tanong natanong ko na sa kanya… pero walang sagot.. im trying to call him.. ring lang ng ring yung cell nya.. hindi nya sinasagot yung tawag ko.. naiiyak na lang pag naaalala ko siya.. sabi ko sa sarili ko.. “I let him go na lang kahit gaano kasakit..pero hindi ko pala kaya.. lumipas yung araw, wala akong natanggap na text o tawag mula sa kanya..Monday december 22, nung pumunta ako sa opis para magbigay ng report.. tinanong ko yung sarili ko anung una kong gagawin pag nagkita kami.. but… wala akong maisagot.. pagdating ko sa opis thankful ako masyado dahil wala yung sasakyan nila, it means wala siya.. pag pasok ko ng pinto lahat sila nakatingin sa akin.. including HIM, hindi ko alam kung tutuloy ba ako o hindi.. ang ginawa ko hindi muna ako tumuloy.. dun lang ako sa labas at humingi ako ng maraming lakas ng loob kay lord para pakiharapan SIYA. Hindi kami nagpapansinan, kahit alam kong gustong gusto kong tumakbo palayo..hindi ko magawa.. nakantiyawan tuloy siya ng ka opisina ko.. dumating lang daw ako, parang nalito na siya..dahil mali mali yung ginawa nya.. ngumiti lang ako.. pero may nakapansin na hindi kami nagkikibuan..tinanong kung mag kagalit daw ba kami, siyempre sabi ko hindi.. “busy kasi siya” yun na lang ang nasabi ko..pero nakita ko sa kanya kung gaano siya kalungkot..pero nanaig yung pride ko.. kaya hindi kami nag usap. hindi na rin ako nagtanong pa sa kanya.. Maybe mag kakaroon din ng time na malalalman ko din kung bakit siya biglang umiwas… huling text ko sa kanya Tuesday, December 23 sabi ko ito yung piunakamalungkot na pasko sa buhay ko.. at sana kung anu man yung dahilan nya bakit bigla siya umiwas.. sana malaman ko rin kahit papaano mabawasn yung sakit na nararamdaman ko. pag naaalala ko siya, hanggang ngayon naiiyak pa rin ako.. hanggang ngayon pakiramdam ko mahal ko pa rin siya..hanggang sa ngayon hindi ko pa rin siya nakakalimutan.. Sana man lang nga paalam na lang siya.. atleast kahit sa friendship lang kami mag end.. kaso hindi.. sa masakit na paraan nya pa ginawa yung pag iwas. Hindi ba masakit pag nangyari sa iyo yung ganitong sitwasyon.. hindi mo alam kung saan ka lulugar..kasi alam mong may masasaktan ka..alam mo hindi mo pwede ipaglaban yung nararamdaman mo, kasi alam mong mali…. Alam ko namang mali ako.. lalo na alam kong walang patutunguhan yung nararamdaman namin sa isa’t isa, kasi nga committed na kami pareho.Kaso anung gagawin ko.. mahal ko na siya.. Anung gagawin ko sa boyfriend ko?? Ayoko rin namang mawala siya sa akin?? Sana lang makalimutan ko na si “Mr. FEDEX”…Pero sa paanung paraan?? Sana give me some advice kung paano ba lumimot sa taong mahal na mahal mo….. Sana rin dumating na yung time na sinabi ko sa kanya na “SOMEDAY I’LL BE OVER YOU..”
0 Comments:
Post a Comment
<< Home