Pero salamat. Salamat kasi for once, kahit hindi mo sinabi, pinaramdam mo naman. Yun nga lang, pinaramdam mo sa maling paraan. Naalala ko pa noong senior high, tinawag mo akong 'easy girl'. Syempre nagalit ako. Tanga lang naman kasi ang pumapayag na tawaging ganoon. Syempre, hindi kita kinibuan for one month. Ang harsh ko nga eh. Kaya ayun, isang buwan ka ring nagmistulang asong susunud-sunod sa akin. Ang kulit mo nga eh. Hindi mo ako tinantanan hangga't hindi ko sinabing 'o sya, sige na, abswelto ka na'. Ang laki ng ngiti mo matapos nun. Talo mo pa ang nanalo ng milyones sa lotto.
Simula nun, palagi mo na akong pinatatawa. Hinahatid mo rin ako sa bahay lalo na kasi palagi akong ginagabi ng uwi galing ng school after ng CMT training natin. Pumupunta ka rin sa bahay kapag weekend. Naalala ko rin yung isang time, tinakot mong babasagin ang mukha ng isang manliligaw kong nangharass sa akin. Ang galing mo nga noon. Kahit payatot ka, nagawa mong syang sindakin. Syempre na-touch ako sa pagiging protective mo. Kaya inisip ko tuloy noon, siguro kaya mo nagawa ang mga bagay na iyon ay dahil gusto mong makabawi sa akin. Ayaw mo ring maglaro ako ng badminton. Baka daw masunog ako o di kaya ay madapa. Napagkamalan tuloy tayong may relasyon ng mga tsismosa at pakialamera nating teachers at schoolmates. Pati parents ko tinanong ako kung ano ka raw ba sa buhay ko. Syempre sinabi ko ang totoo, na magkaibigan lang tayo. Siguro nagsawa rin sila sa kakukulit sa akin kasi after a while tumigil na rin sila sa katatanong. Oo nga pala, muntik pa akong sabunutan ng may crush sa 'yo. Kasi daw inagaw kita sa kanya! Exagg talaga.
Pero alam mo, galit ako sa 'yo. Galit ako nung nalaman kong hindi mo ako pinaglaban, hindi ka nanindigan. Kaya tuloy naiisip ko, hindi ako worth ipaglaban. Bakit, kasalanan ko bang maging mag-bestfriend kayo ng Kuya ko kaya isang sabi lang nya, umurong na kaagad ang buntot mo? Kasalanan ko rin ba kung achiever ako kaya naintimidate ka sa akin? Naiinis ako sa 'yo. Kasi ikaw ang kauna-unahang taong nakapagpa-feel sa akin ng insecurity. Alam mo bang dahil sa 'yo, andami kong naging pagsisisi? Pinagsisihan ko ang pagiging 'prude' ko, ang pagiging smart, ang pagiging achiever, at ang pagiging younger sister ng bestfriend mo.
Pero ngayon alam ko na. Hindi ko dapat sisihin ang sarili ko. Kasi hindi naman ako ang sumuko, hindi ako ang bumitaw. Hanggang ngayon galit pa rin ako sa 'yo. Hindi lang dahil sa mga insecurities na dinulot mo sa akin kundi dahil na rin sa pagiging duwag mo.
Sa maikling panahong iyon, hindi mo siguro batid pero minahal kita. All you had to do was ask me. Sad to say, you never had the guts to do it. Aaminin ko ang totoo, nahihirapan akong mag-move on sa buhay ko kasi deep down, mahal pa rin kita. O ayan, nasabi ko na. But I guess I can never hear your side anymore.
Pero salamat. Salamat sa memories. Siguro maghahanap na lang ako ng kagaya mo. Pero ang hirap nun. Nag-iisa ka lang kasi. Kahit i-scour ko man ang buong kalawakan at mamulot ng remnants ng bulalakaw na pinakakagaya mo, malamang wala akong makitang katulad mo. Pero kung hindi talaga pwede, manunungkit na lang ako ng pinakamalapit na bituin. Isa lang ang sigurado: palagi akong titingala sa kalawakan. Kahit papaano, aasa pa rin akong makita kita kahit sa huling pagkakataon.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home