Saturday, October 22, 2005

Hindi Na Lang Sana....Ano ba kasi pumasok sa kukote mo at naisipan mong guluhin ang maayos kong mundo? Nananahimik ako at kontento sa buhay na mag-isa lang ako, nagpumilit kang samahan ako. Ako naman si tanga nagpadala sa sinabi mong LOVE. Masyado akong natuwa sa dulot mong saya. Kung alam ko lang na magiging masakit ang kapalit ng sayang dala mo hindi ko na sana iniwan ang dati kong mundo. Ang mali ko lang din kasi pinaniwala ko ang sarili ko na totoo ka sa mga sinabi mo. Pinaasa ko rin ang sarili ko na tayo na "forever". Eh, noong panahon palang yon isa ka sa mga taong hindi naniniwala sa forever. Kaso lang hindi mo naman agad sinabi sa akin yon. Pinatagal mo pa ng halos dalawang taon. Ang masakit pa binigla mo ako. Wala ka man lang kaabug-abog iiwan mo na pala ako. Bakit mo naman ako iniwan sa ere? Hindi mo man lang ako binigyan ng panahong makapag-adjust ng paunti-unti. Sabi mo I have a strong personality, na kaya kong lagpasan ito. Sinabihan mo rin ako na kaya kong bumalik sa dating maayos kong mundo. Buti ka pa ang kalakasan na sabi mo ay nasa akin? Pwede ko bang malaman sayo kung saan pabalik sa buhay na dating alam ko? Pagkatapos ng nangyaring ito hindi na ako sigurado kung makakapagtiwala pa ako o kung kaya ko pa ring pagkatiwalaan ang sarili ko. Hindi ko din alam kung tatanggapin pa ako ng dating ako. Pero sabi nila "life must go on". Kaya kahit gaano kahirap, kahit gaano pa katagal siguro naman makakaya din kitang kalimutan. Dapat siguro magsimula na akong wag ka ng patuloy pang mahalin. Tama na ang panahong iginugol ko sa pagmamahal ng totoo sayo. Tama na rin ang pagpapakababang ginawa ko sa sarili ko. Dapat kayanin ko.... Bakit kasi ako pa ang napili mo? Hindi na lang sana.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home