Saturday, October 22, 2005

nagising nalang ako isang umaga, naramdaman ko parang may kulang. kumain ako ng almusal, nakausap ko na lahat ng tao sa bahay, pero bakit ganito parang ang bigat ng pakiramdam ko.

pumasok ako sa trabaho nagiisip parin muntik na nga akong matisod sa kakaisip lang nito. tinanong nako ng mga katrabaho ko, ano ba meron sakin bakit ang tamlay ko. sabi ko hindi ko alam, di ko maintindihan. alam mo ba yung pakiramdam na parang may malaking butas sa sarili mo, tipong merong kailangang makapuno? yun ang naramdaman ko nung araw na yun, gusto ko na ngang sumigaw, magwala, malay ko ba kung ano lang ito. pero hindi ko ginawa, hindi naman dapat.

mga bandang tanghali pagkatapos ng tanghalian, tumawag siya, lam mo na siya, yung lalaking minahal ko buong buhay ko pero iniwan ako para sa ibang tao, wala lang nangamusta lang labas daw kami pagkatapos ng trabaho, nagisip ako ng mabuti, kung papayag ako o hindi, naisip ko ano ba namang masama, nasa malayo naman nagtatrabaho ang girlfriend niya, parang malalaman diba?

natapos ang araw sobrang excited ako, sinundo niya ako sa trabaho, kumain kami, nagusap, binalik ang nakaraan, sabi ko nalang wag nang pagusapan may buhay na siya, masaya narin ako sa buhay ko, kaibigan nalang maibibigay ko, ang drama pa nga sabi niya mahal pa daw niya ako, kumpara ba ako sa bago, mas mabait daw ako, mas maintindihin, mas understanding, sabi ko nga aba eh bakit mo sakin sinasabi yan, ano ito bolahan, natawa lang siya kahit hindi nakakatawa, nainis nga ako di ko nalang pinakita, pero kahit na nag usap kami nandun parin yung malaking butas nararamdaman ko parin, hanggang sa naisip ko baka kulang lang ako ng pagtawag sa kanya, pero hindi naman kse madalas ako tumatawag sa kanya, siguro namn kilala niyo na kung sino yun.

naglalakad nakami pauwi, papunta sa auto niya, nakalimutan ko kahit sandali ang kulang na nararamdaman. napatawa pako sa mga biro niya, napalo ko pa nga sa kakatawa. biglang naring ang cellphone ko...kapatid niya umiiyak, sabi ko bakit kasama ko kuya mo, pauwi na kami.

bigla siyang natahimik, tinanong ko bakit, at dahan dahan niyang sinabi..

"pano nangyari yun eh si kuya nadisgrasya, na total wreck sasakyan niya..ate patay na siya"

nabigla ako hindi ko maintindihan pano nangyari na patay na siya eh kasama ko pa???

pag harap ko sa likod ko..nandun parin sha, ganun parin suot niya pero duguan na..napaluha ako, ngumiti lang sha at sinabi na...

"naramdaman mo na ba yung pakiramdam na parang may kulang hindi mo maintindihan kung bakit?"

napa oo nalang ako habang patuloy na lumuluha..

"papunta ako sayo ngayon, dahil gusto kung sabihin na ikaw pala yun, yung kulang sa buhay ko..gusto ko na sana pakasal tayo..pero diba sabi ko naman sayo kahit anong mangyari gusto ko bago ako mamatay ikaw ang nasa tabi ko"

tapos bigla nalang siyang nawala..bumigat lalo pakiramdam ko,napaupo ako sa lapag, wala nalang akong nagawa kung hindi umiyak..bakit kung kailan lahat ng sinabi niya tama sa pandinig ko, hangin nalang ang lahat ng ito...

"People may not remember exactly what you did or what you said but they will always remember how you made them feel"

0 Comments:

Post a Comment

<< Home