Wala Lang….
Masama bang humingi ng isang makabuluhang relasyon? Yung isang relasyon na natututo kayo ng mga bagay na hindi lang tungkol sa pakikipagrelasyon kundi tungkol din sa buhay, yung kapag nag-bare ka ng kaluluwa mo tapos weirdo ka pala, eh, hindi ka manliliit pero hindi ka rin kakaawaan, yung kahit hindi niyo na pag-usapan eh, alam niyo pa rin tungkol sa isa't isa. Pwede bang mamili ng kasama sa relasyong ‘to? Alam ko naman kasi at sigurado ako na mahal ko siya. Kaya lang hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko kung masaya nga ba talaga ako. Kung masaya na ako kapag nagkikita kami, magkukuwentuhan tungkol sa mga nangyari bago kami nagkita, tapos maglalambingan, kakain, matutulog. Kung bakit pakiramdam ko eh, wala naman talagang relevance ang existence ko sa totoo niyang buhay, imagination ko lang na meron. Yung parang ayw niya akong isali, o worse, hindi pa siya aware na may totoo siyang buhay. Masaya na ba talaga ako kasi hindi na kami nag-aaway? Kasi fun na yung mga panahon naming magkasama? Kahit alam kong hanggang dun lang kami ngaun, fun. Ayoko naman sigurong tanggapin na lang na ganun lang talaga kasi magkaiba na ang mga mundo naming dalawa. Hanggang kelan ko ba hahanapin yung true essence ng relasyong ‘to? Siguro nga, tanggap ko na na hindi talaga siya. Takot lang akong umayaw. Mahirap kasing umalis at hindi mag-look-back. Hindi ko yata kaya. Andami na kasing nangyari, tumagal na rin kasi. Mahirap na para sa’kin alalahanin kung paano buhay ko nung hindi pa siya kasali dun at kung anong magiging buhay ko kapag parte na lang siya ng nakaraan. Hihintayin ko pa rin ba? Baka na lang mali lang talaga yung panahon para humingi ng meaning. Kasi, nung una naman, bago mabilis na lumipas ang tatlong taon, naramdaman ko naman na niyakap niya ang kaluluwa ko nang mahalin niya ako. Pero teka, pa'no naman ako in the process?

0 Comments:
Post a Comment
<< Home